PPCRV, sisimulan na ngayong araw ang paglalabas ng match rate sa mga election returns

Sisimulan ngayong araw ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na ilabas ang match rate ng validated election returns (ERs) mula sa 2022 national polls hanggang sa data sa transparency server.

Ayon kay PPCRV National Chairperson Myla Villanueva, hinintay pa nila ang mas maraming printed ERs na pumasok.

Sa ngayon, nakatanggap na aniya ang PPCRV ng 15,505 sa 106,000 na kopya ng resulta ng botohan, na nagmula sa ilang bahagi ng Luzon at Metro Manila.


Bilang accredited citizens’ arm ng Commission on Elections (COMELEC), kinokolekta ng PPCRV ang ikaapat na kopya ng ERs mula sa clustered precincts sa bansa.

Ang mga ito ay inilabas bago pa man maipadala ng Vote Counting Machines (VCM) ang poll results sa central server ng COMELEC.

Facebook Comments