Pirmado na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Public-Private Partnership Code of the Philippines (PPP Code) at ang Internet Transactions Act of 2023.
Nilagdaan ito ng pangulo kahapon lang habang naka-isolate sa Bahay Pangulo matapos magpositibo sa COVID-19.
Ayon sa pangulo, ang dalawang bagong batas ay nagpapakita ng commitment ng bansa at kahandaan na pabilisin ang pag-unlad at isulong ang digital economy.
Layon ng PPP Code na patatagin ang partnerships ng public at private sectors sa pagtugon sa kakulangan sa infrastructure systems.
Ang Internet Transactions Act naman ang magbibigay proteksyon sa mga mamimili at negosyante habang pinalalakas rin ang e-commerce.
Facebook Comments