PPP, patuloy na isusulong ng Marcos administration para sa infrastructure development at paglikha ng trabaho

Tututukan ng Marcos administration ang pagsusulong ng Public Private Partnership o PPPs para mas mapaangat ang imprastraktura at ekonomiya at mas makalikha nang mas maraming trabaho.

Ito ay batay sa year-end report ng National Economic and Development Authority o NEDA.

Maliban sa pagtutok sa PPPs, isasagawa rin ng Marcos government ang programmatic Investment Coordination Committee (ICC) appraisal and programming para sa malalaking proyekto sa susunod na taon.


Samantala, tutukan din ng NEDA na makumpleto ang registration ng 92 million Pilipino edad limang taong gulang pataas sa Philippine Identification System (PhilSys) at ang pagsasagawa ng Census of Agriculture and Fisheries para sa Calendar Year 2022 at 2023 Family Income and Expenditure Survey.

Facebook Comments