Bilang ng international travelers na dumadating sa bansa nang walang bagahe, dumadami

Dumadagsa ngayon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga pasaherong dumating sa bansa ng walang bagahe.

Pinakahuling dumulog sa Manila International Airport Authority (MIAA) Media Affairs Division ang Filipino-Australian na si Marcus Pedrigal.

Ayon kay Pedrigal, December 17 nang dumating siya sa bansa mula Sydney via Cebu Pacific.


Aniya, malapit na siyang bumalik sa Australia pero wala pa ang kaniyang bagahe.

Nakikipag-ugnayan na ang MIAA Passenger Complaint Center sa CebPac para maibalik o hindi kaya ay mabayaran ang nawawalang bagahe ni Pedrigal.

Facebook Comments