Nagbabala ang pamunuan ng Police Regional Office o PR02 sa mga aplikante na huwag magbigay ng pera kapalit ng pagpasok sa hanay ng kapulisan.
Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan sa pamunuan ng PRO2 na may mga nagsasamantala sa ilang nag-aaplay na maging pulis kung saan umabot na umano kay P/BGen.Jose Mario Espino, Regional Director ng PRO2 na may isang aplikanteng pulis na hiningian ng pera upang makapasok sa Philippine National Police (PNP).
Nilinaw ng pulisya na libre ang pagpasok sa pagka-pulis at kailangan lamang na nakapasa sa examination at sa mga hinihinging requirements.
Hinikayat naman ang mga police applicants na isumbong sa kanilang himpilan kung may mga opisyal na humihingi ng pera o anumang konsiderasyon para makapasok sa PNP upang maimbestigahan at mapatawan ng kaukulang parusa.
Ayon kay P/Lt.Col.Chevalier Irringan, tagapagsalita ng PR02 na umaabot na sa 525 ang aplikante na sumasailalim sa neuro at medical examination kung saan ay 350 lamang ang makukuha mula sa nasabing bilang ng aplikante.
Kaugnay nito, malalaman na kung kailan magsisimula ang training ng isang aplikante kung ito ay pumasa sa lahat ng examination ng PNP.