Prangkisa ng Manila Water, pinababawi ng isang consumers group

Manila, Philippines – Umapela kay Pangulong Rodrigo Duterte ang isang consumers group na bawiin ang prangkisa ng Manila Water sa harap ng nararanasang krisis sa tubig sa iba’t-ibang lugar na kanilang siniserbisyuhan sa Mega Metro Manila.

Ayon kay United Filipino Consumers and Commuters President RJ Javella, panay ang pagkaltas ng Manila Water sa water bills para sa iba’t-ibang proyekto.

Sa kabila aniya na umabot na sa bilyon bilyong pisong ang nakokolekta, humantong pa rin ngayon ang sitwasyon sa isang water crisis.


Binigyan diin ni Javellana na panahon na para isapubliko ng Manila Water ang kanilang water supply.

At dapat din ilahad sa publiko ang kinahinatnan ng 15 cubic meter replacement project at ang para sa Wawa at Laiban Dam project.

Facebook Comments