PRC Chairman at Senator Richard Gordon, sinisi si Health Secretary Francisco Duque III sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte

Photo Courtesy: PCOO

Sinisi ngayon ni Senator Richard Gordon si Health Secretary Francisco Duque III matapos ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mukhang pera ang Philippine Red Cross (PRC).

Ayon kay Gordon na siyang Chairman ng Red Cross, mali ang ginawang pagkaka-report ni Duque kaya’t nagbigay ng hindi magandang salita ang pangulo.

Muli rin iginiit ni Gordon na hindi mukhang pera ang Red Cross at isa daw itong Humanitarian Organization pero kinakailangan raw na meron silang hawak na pondo para mabigyan ng tulong ang ilang mga nangangailangan.


Aniya, hindi nararapat na tawagin na sakim ang Red Cross lalo na’t matagal na daw silang tumutulong sa gobyerno.

Bagama’t hindi umano nasaktan si gordon sa pahayag ni Duterte sa PRC, sinabi naman ng senador na dapat maging maingat ang pangulo sa mga binibitiwang salita.

Matatandaan na sa naging pulong noong huwebes, sinabi ni Duque sa Pangulo na ipinagpatuloy na ng PRC ang testing sa swab specimens matapos magbayad ang PhilHealth ng paunang P500 milyon.

Sinabi pa ni Gordon na umabot ang COVID-19 test ng PRC sa 10,000 bawat araw kung saan ibinaba nila ang hinihinging presyo ng Philhealth at kung patuloy daw silang magbabayad ng P100 million regularly, bababa ang singil sa P3,300 o P3,200.00.

Facebook Comments