PRC COVID-19 BAKUNA CENTER, ITATAYO SA CAUAYAN CITY

Cauayan City, Isabela- Aprubado na ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Cauayan at pamahalaang panlalawigan ang pagpapatayo ng kauna-unahang PRC COVID-19 Bakuna Center sa Siyudad.

Itatayo ang nasabing bakuna center sa barangay Minante 1, Cauayan City, Isabela.

Magsisimula ang operasyon nito oras na maisagawa ang accreditation ng Department of Health (DOH).


Sa pamamagitan ng itatayong Bakuna center ng Philippine Red Cross Isabela, target nitong mabakunahan ang 5,000 na indibidwal o katumbas ng 76% ng priority eligible A1 hanggang A5 at 25% sa mga nasa group B at C sa loob lamang ng anim (6) na buwan.

Ang pagpapatayo ng vaccination site sa Lungsod ay bunsod na rin ng mataas na aktibong kaso ng COVID-19 sa Probinsya.

Facebook Comments