PRC, hihingi ng tulong abroad para sa pagtatayo ng mga bahay na sinira ng Bagyong Rolly

58

Umaapela ang Philippine Red Cross (PRC) ng tulong mula sa International Federation of Red Cross at Red Crescent Societies (IFRC) para tumulong sa pagtatayo ng mga bahay na sinalanta ng Bagyong Rolly.

Ayon kay PRC Chairperson, Senator Richard Gordon, magsasagawa sila ng assessment para malaman kung gaano kalawak ang pinsala ng bagyo.


Sinabi ni Gordon na nakapag-deploy na sila ng PRC teams sa mga apektadong lugar para maghatid ng tulong.

Tumutulong din aniya ang mga ito sa rescue efforts, pagbibigay ng pagkain at sa distribusyon ng relief packages sa mga residenteng lumikas at nawalan ng tirahan.

Facebook Comments