Serbisyo ng Globe sa Luzon, naapektuhan ng Bagyong Rolly

60

Nakararanas ang subscribers ng Globe Telecom sa ilang bahagi ng Luzon ng hirap sa pag-avail ng telco services matapos maputol ang multiple fibers bunga ng malalakas na hanging dala ng Bagyong Rolly.

Sa abiso, sinabi ng Globe na ang mga subscribers mula sa Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, Catanduanes, Masbate, Sorsogon, Quezon at Laguna ay asahan magkakaroon ng hirap sa pagtawag, pagpapadala ng text messages o paggamit ng mobile data.


Pagtitiyak ng Globe na inaayos na ng technical teams ang isyu para maibalik ang kanilang normal na serbisyo sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments