PRC, magpapatupad na ng bawas-presyo sa COVID-19 testing simula December 01, 2020

Inihayag ng Philippine Red Cross (PRC) ngayong linggo na magpapatupad na sila ng bawas-presyo sa COVID-19 testing na layong matulungan ang mas maraming Pilipino na makapag-test sa sakit.

Ayon kay PRC Chairman at CEO Senator Richard Gordon, natawaran na ng PRC ang China kaya nakuha na nang mas mura ang test kits.

Nabatid na una nang inaprubahan ng PRC Board of Governors nitong November 26 ang pagpapababa ng presyo ng test kits kung saan ang PRC swab test sa private clients, walk-ins, at NAIA inbound passengers ay nagkakahalaga ng P3,800.


Habang P3,300 at P3,409 naman ang bayad sa Local Government Units (LGUs) at mga intitusyong nakaakibat sa PhilHealth.

Epektibo ang pagbabago ng presyo ng COVID-19 test kits sa December 01, 2020.

Facebook Comments