PRC molecular laboratory sa Batangas, nakatakdang buksan

Tiniyak ng Philippine Red Cross na malaki ang magiging tulong ng bubuksang bio-molecular laboratories ng PRC sa Batangas sa bansa.

Ayon kay PRC Chairman at CEO Sen. Richard J. Gordon, nakasisiguro ang bansa na malalabanan na nito ang COVID-19.

Nabatid na ang bawat pasilidad ay naglalaman ng apat na PCR machines na maaaring magsagawa ng 4,000 tests kada araw o kabuuang 12,000 test sa lahat ng pasilidad nito.


Una nang nagbukas ang molecular laboratories ng Red Cross sa national headquarter nito sa EDSA at ang isa naman ay sa dati nitong headquarters sa Port Area, Manila.

Maliban dito, maaari ring mapag-aralan sa nasabing pasilidad ang mga umuusbong at muling pag-usbong ng mga sakit.

Facebook Comments