PRC, nagbabala sa mga gumagawa ng mga pekeng COVID-19 test certificate

Nagbabala ngayon nag pamunuan ng Philippine Red Cross Molecular Laboratory sa mga namemeke ng COVID-19 Test Certificate dahil mayroon umano itong kaakibat na parusa ang ahensiya kapag nahuling namemeke.

Ang babala ay ginawa ng PRC makaraang matuklasan na ang PRC Test Certificate na ginamit ni Julius Vega Alfone na may address na E.Rodriguez QC ay peke.

Magsasagawa ng malalim na imbestigasyon ang PRC at legal na aksyon laban sa gumagawa ng pamemekeng COVID-19 test certificate.


Hinikayat ng PRC ang publiko na gumamit ng QR code printed sa gitna sa kaliwang bahagi ng PRC Test Certificate para maberipika ang pagiging lehitimo nito.

Nanawagan din ang PRC sa publiko na makipag-ugnayan sa ahensiya at i-report kung mayroon silang nalalamang gumagawa o namemeke ng COVID-19 Test Certificate upang agad na mabigyan ng kaukulang aksyon

Facebook Comments