PRC, nagbigay ng tips kapag may pagsabog ng bulkan

Nagpaalala ang Philippine Red Cross (PRC) ng mga dapat gawin kapag may pagsabog sa bulkan.

Ngayong nakataas na ang alert status ng Bulkang Mayon sa Albay at Taal sa Batangas, nagbigay ng tips ang PRC para maging gabay ng mamamayan.

Pinapayuhan ang publiko na sundin ang mga utos ng paglikas na ibinababa ng mga awtoridad at gawin agad ang emergency plan.


Pangalawa ang pagsuot ng face mask bilang proteksyon sa sarili.

Paalala rin ng PRC na dapat nakasara ang mga bintana at pintuan upang maiwasan ang pagpasok ng abo.

Sabi pa ng PRC, kailangan ding makinig sa radyo at telebisyon para malaman ang mga impormasyon at paalala mula sa pamahalaan.

Higit sa lahat, dapat may nakahanda nang lifeline kit ang pamilya gayundin maproteksyunan ang mata tulad ng pagsusuot ng googles, at siguraduhing natatakpan ang balat.

Sa paglikas, kinakailangan ding isama sa evacuation areas ang mga alagang hayop at higit sa lahat ay isulat at tandaan ang emergency numbers.

Facebook Comments