Nangyaring aberya sa NAIA 3 kahapon, walang kinalaman sa naging aberya noong May 1

Nilinaw ni Manila International Airport Authority (MIAA) acting General Manager Brian Co na walang kinalaman sa mga pasilidad ang nangyaring power outage kahapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 3 tulad noong May 1.

Ayon Kay Co, hindi nila inaasahan ang pagkaiwan ng ginamit na tester ng MServ technical team kung saan sila nagsagawa ng electrical audit.

Bunga nito, nagkaroon ng short circuit ang linya ng Meralco kaya nawala ang supply ng kuryente kahapon sa paliparan.


Ang naturang aberya ay umani ng batikos mula sa mga pasahero at sa concessionaires ng NAIA.

Facebook Comments