PRC, nagpaabot ng tulong sa mga naapektuhan ng Bagyong Kiko sa Batanes

Nagpaabot ng tulong ang Philippine Red Cross (PRC) sa Batanes matapos manalasa ng Bagyong Kiko sa bansa nitong Setyembre 11.

 

Kabilang dito ang pagpapadala ng PRC ng non-food items tulad ng jerry cans, water containers, shelter tool kits para sa pagkukumpuni, tarpaulins bilang  pansamantalang matutuluyan at flashlights para sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo.

 

Nakatanggap din ng motorsiklo, 2 portable generator units at solar lamps ang PRC Batanes Chapter para sa kanilang mga aktibidad at typhoon operations.


 

Ayon kay PRC Chairman at CEO Senator Richard Gordon, walang hangganan ang pagsisilbi ng Red Cross sa bayan kaya gagawin nito lahat upang makapaghatid ng tulong.

 

Unang nagsagawa ng operasyon ang PRC sa Batanes noong tumama ang Supertyphoon Lawin noong 2016 at niyanig ng 5.9 magnitude na lindol noong 2019.

 

Facebook Comments