PRC, nagsagawa ng pagbabakuna sa mga inmates sa Bago City sa Bacolod

Umabot sa 145 na inmates at mga personnel ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Bago City sa Bacolod ang nabakunahan ng anti-COVID-19 vaccine sa tulong ng Philippine Red Cross (PRC).

Lubos ang pasasalamat ng Bago City-Local Government Unit (LGU) sa PRC dahil sa pagsasagawa ng inoculation ng Sinovac vaccine sa mga bilanggo na parte rin ng COVID-19 priority group lalo na’t may delay sa pagdating ng mga bakuna.

Tiniyak naman ni PRC National Chairman Sen. Richard Gordon na patuloy ang mga staff at volunteers ng Red Cross sa pagsisikap upang mapaglingkuran ang mga Pilipino.


Giit ni Gordon, nais nilang maabot ang bawa’t sulok ng Pilipinas upang mahatid ang bakuna at makamit ang herd immunity.

August 9, 2021 nang buksan ng PRC Negros Oriental Chapter ang Gaisano Grand Bakuna Center sa Bacolod City at Bakuna Bus ng Ceres Liner noong September 29, 2021.

Facebook Comments