Mga taga-suporta na naghain ng COC sa pagkasenador, binarikadahan ng mga pulis sa labas ng Sofitel

Nagtipon-tipon sa Sotto St. ang ilang taga suporta ni KAPA Community Ministry Founder Pastor Joel Apolinario na maghahain ng Certificate of Candidacy o COC sa Harbor Garden tent ng Sofitel.

Dahil sa pagbabawal ng pagpunta ng maraming tagasuporta, agad silang binarikadahan ng mga Civil Disturbance Management o CDM Unit ng Philippine National Police (PNP).

Sa ngayon ay tahimik lamang ang nasabing grupo na nananatiling nasa gilid ng kalsada.


Sila ay nakasuot pa ng puting t-shirt na may larawan nito at may nakasulat na for senator.

Sinabi ng kinatawan ni Apolinario, trabaho, pabahay at edukasyon ay kabilang sa plataporma ni Apolinario na tumatakbo bilang senador.

Si Apolinario ay kasalukuyang nakapiit dahil sa may hinaharap na kaso dahil sa investment scam.

Facebook Comments