PRC, nagtayo na ng Emergency Field Hospital sa NKTI para sa mga pasyente na may sintomas ng COVID-19

Nagtayo na ng Emergency Field Hospital tent ang Philippine Red Cross (PRC) sa tabi ng National Kidney and Transplant Hospital sa Quezon City.

Ang hakbang ng PRC ay bilang tugon sa kahilingan ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) dahil sa tumataas na bilang ng mga taong nakikitaan ng sintomas ng COVID-19 na dinadala sa pagamutan sa lungsod.

Ayon kay PRC Chairman at Senador Richard Gordon ang mga tents ay maaaring magsilbing isolation area o testing area ng mga pinaghihinalaang may COVID-19.


Kaya umano na manatili sa loob ng hospital tent ang 10 pasyente na may posibleng COVID-19 at upang hindi na makahawa sa iba pang pasyente sa NKTI lalo na kapag mahihina ang immune system at madaling magkasakit.

Paliwanag pa ni Gordon, kaisa ng Red Cross ang mga hospital sa pagbibigay ng mga pangangailangan ng mga tao lalo ngayong   panahon na nasa krisis ang bansa dahil sa COVID-19 Pandemic.

Facebook Comments