PRC, nagtayo pa ng temporary medical facilities sa Mindanao na tinamaan ng lindol

Nagtayo pa ng mga medical tents ang Philippine Red Cross (PRC) sa Kidapawan City sa North Cotabato para tugunan ang problema sa pangkalusugan ng mga pamilyang naapektuhan ng serye ng malalakas na lindol.

Ginawa ng Red Cross ang nasabing hakbang dahil sa pagsara ng ilang hospital sa Mindanao na kabilang sa mga nasira ng lindol noong isang buwan.

Ayon kay Senator at Red Cross Chairman Richard Gordon, top priority pa rin ng PRC ang basic health care para sa mga pamilya.


Malaki din aniya ang maitutulong ng medical assistance sa posibleng  outbreak ng anumang sakit.

Dahil umano sa pagkasira ng mga hospitals may kahirapan na ang pagtugon sa pangangailangan ng mga pasyente.

Pinaplantsa na rin ng PRC ang humanitarian caravan para maiparating din ang tulong sa mga affected communities sa Barangay New Opon, Magsaysay, Davao del Sur.

Ang mga humanitarian trucks ay magdadala ng food and non-food items, gayundin mga water tankers at mobile kitchen.

Facebook Comments