Nagsimula na ang partnership ng Philippine Embassy sa Israel at ng Philippine Red Cross (PRC) para sa pagbibigay ng online basic psychological first aid at Restoring Family Links services sa mga Pilipinong apektado ng Israel-Gaza Conflict.
Pinapayuhan ang mga Pinoy sa Israel na nangangailangan ng makakausap na i-scan lamang ang QR code na naka-post sa Facebook page ng embahada.
Naka-antabay na ang Red Cross volunteers para sa tawag ng mga apektadong Overseas Filipino Workers (OFWs).
Tutulungan din silang makausap ang kanilang mga kamag-anak sa Pilipinas.
Bukod sa financial assistance at tulong na makauwi sa Pilipinas, isa ang psychological support at counselling sa mga serbisyong ibinibigay ng Philippine Embassy sa mga apektado ng kasalukuyang sitwasyon sa Israel.