Spill boom, inilagay ng PCG sa na-stranded na barko ng Vietnam sa Palawan

Naglatag na ng oil spill boom ang Philippine Coast Guard (PCG) sa paligid ng barko ng Vietnam na na-stranded sa dagat na sakop ng Palawan.

Ito ay matapos makakita ng oil sheen o bakas ng langis sa tubig na sakop ng Balabac kung saan nakalubog ang bahagi ng barkong Viet Hai Star.

Nabatid na bukod sa 4,000 toneladang bigas na dala ng sasakyan pandagat, mayroon din itong 29,000 litro ng automotive diesel oil.


Sa ulat ng PCG, kaninang alas-7:00 ng umaga ay pinasok na nang tubig ang buong barko dulot ng high tide at matinding mga alon.

Sa ngayon ay nasa maputik at mabatong bahagi na ng Calandorang Bay sa Balabac ang barko na patungo sanang Cagayan De Oro para maghatid ng bigas.

Facebook Comments