Tuluy-tuloy pa rin ang pangunguna ng Philippine Red Cross (PRC) upang matukoy ang mga positibo o kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay matapos lumagpas sa tatlong milyong swab at RT-PCR tests ang naisagawa ng PRC sa buong bansa, tatlong buwan lamang matapos makamit ang dalawang milyong swab at RT-PCR tests nitong February 2021.
Ayon kay PRC Chairman at CEO Senator Richard Gordon, mananatiling masikap ang ahensiya upang makapag-test ang 24 porsyento ng mga Pilipino.
Kung hindi kasi aniya mabibigyang-aksyon ang testing ay posibleng umabot sa 250,000 COVID-19 positive cases ang bigong made-detect at kumalat pa sa bansa.
Nakapagtayo naman ang PRC ng kauna-unahang molecular laboratory para sa COVID-19 RT-PCR testing sa kanilang National Headquarters, na mismong accredited ng Research Institute for Tropical Medicine.
Matatandaang Enero ngayong taon nang aprubahan na ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng saliva o laway bilang pamalit sa specimen sa COVID-19 tests