2 Estudyante mula Isabela, Nakasungkit ng Gold at Silver Medal sa International Mathematics Olympiad 2021

17

Cauayan City, Isabela- Nasungkit ng dalawang (2) estudyante mula sa Regional Science High School sa Tumauini, Isabela ang gold at silver medal awards sa katatapos na Thailand International Mathematics Olympiad 2021 worldwide.

Itinanghal bilang overall 2nd runner up si Jay Lord Uggadan at nakatanggap din ng gold medal award.


Nakatanggap naman ng silver medal award si Richdayne Earth Dwight Tumamao sa parehong Senior Secondary Group.

Isinagawa sa online ang naturang mathematics Olympiad na nilahukan ng mga estudyante mula sa iba’t ibang bansa.

Nahati ito sa grupo na kinabibilangan ng kindergarten, primary 1-6, Secondary 1-3 at Senior Secondary Group.

Matatandaan na una nang nakatanggap ng silver award si Uggadan at bronze medal award si Tumamao sa ginanap na Philippine International Mathematical Olympiad 2021 noong Marso.



Facebook Comments