Hinimok ng Philippine Red Cross (PRC) ang mga kabataan na mag-donate ng dugo.
Kasabay ito ng pagdiriwang ng PRC ng World Blood Donor Day (WBDD) bukas, June 14, na may temang “Give blood and keep the world-beating.”
Layon nito na maitaas ang global at national awareness ng mga kabataan hinggil sa pangangailangan ng dugo.
Ayon kay PRC chairman at CEO Richard Gordon, sa kabila ng mga pagsubok bunsod ng pandemya, nananatiling isang essential service ang blood donation.
“The people’s need for blood doesn’t stop. PRC will always be open to help. Donate now! The blood that you will donate today will save lives tomorrow,” ani Gordon.
Para sa mga interesadong mag-donate ng dugo, makipag-ugnayan lang sa kanilang chapters at blood service facilities o tumawag sa hotline 143 para sa mga urgent blood concerns.
Tiniyak naman ng PRC na sumusunod sila sa mahigpit na health protocols sa pagsasagawa ng blood donation habang regular na sumasailalim sa COVID-19 testing ang lahat ng kanilang technical staff.