BANGKAY NG BATANG LALAKING PINANINIWALAANG NALUNOD, NATAGPUAN SA RIVERSIDE, SA DAGUPAN CITY

36

DAGUPAN CITY, PANGASINAN – Palutang lutang na sa ilog at wala ng buhay ng matagpuan ng rescue team ang katawan ng isang onse anyos na lalaki sa lungsod ng Dagupan.

Nakilala itong si Dennis Barongan Jr, 11 y/o, at residente Ng Brgy. San Miguel Calasiao.


Bago pa mangyari ang pagkakatagpo sa katawan ng bata ay unang naireport ng pamilya nito na ito ay nawawala sa bahagi ng Quisban river, Calasiao noong June 11 kaya agad nagsagawa ang Calasiao LGU ng retrieval operation.

Makalipas ang isang araw sa lamang ito natagpuang patay sa bahagi ng River Side, Sitio Talipapa, Bacayao Norte Dagupan City.

Facebook Comments