PRC, umapela ng blood plasma donations

Umaapela ang Philippine Red Cross (PRC) sa mga taong nakarekober na mula sa COVID-19 na mag-donate ng kanilang convalescent o blood plasma.

Kasunod ito ng patuloy na tumataas na kaso ng mga tinatamaan ng virus.

Ayon kay PRC Chairman at CEO Senator Richard Gordon, ang blood plasma ay makatutulong sa mabilis na paggaling ng mga pasyente mula sa COVID-19.


Batay sa PRC, umabot na sa 686 na pasyente mula sa 88 mga hospital ang nabigyan nila ng 784 units ng plasma mula Hulyo 13, 2020 hanggang March 25, 2021.

Pero sa ngayon, mayroon na lamang walong unit ng plasma ang PRC convalescent plasma center.

Facebook Comments