PRDDMO Laguna, patuloy na nakatutok sa sitwasyon ng Bulkang Taal

Nananatiling naka-red alert status ang laguna provincial disaster rick reduction management office o PDRRMO dahil sa patuloy na pag-alburuto ng Bulkang Taal.

Dahil dito, patuloy na minomonitor ng pdrrmo ang posibleng epekto ng pag-alburuto ng bulkang taal sa buong lalawigan ng laguna.

Bagamat nagkakaubusan na ng face mask, pinapayuhan ng pdrrmo ang publiko na manatili na lamang sa loob ng kanilang bahay.


Kung hindi naman maiwasang lumabas, gumamit na lamang sila ng basang bimpo, mask, at goggles dahil lubhang mapanganib ang ash fall o abo sa kalusugan.

Nakahanda din ang PDRRMO na gamitin ang lahat ng resources nito para tulungan ang mga apektadong lugar partikular sa lalawigan ng batangas.

Sa ngayon, wala pa naman naitatalang inilikas na mga residente sa Laguna kung saan wala din naitatalang indibiwal na isinugod sa laguna provincial hospital dulot ng ash fall.

Facebook Comments