Pre-Disaster Assessment sa Pangasinan isinagawa bilang paghahanda kay Bagyong Jenny

Nagsagawa na ng pre-disaster assessement ang Pangasinan Disaster Risk Reduction and Management Council sa posibleng pag-ulan na mararanasan ng lalawigan sa bagyong Jenny. Ayon sa PAGASA kasalukuyang nasa Signal number 1 ang lalawigan ng Pangasinan at nagsisimula na rin ang pagtaas ng lebel ng tubig sa mga kailugan nito.

Sa panayam ng IFM Dagupan kay Patrick Aquino, tagapagsalita ng PDRRMO nakahanda na ang mga kagamitan, personnel maging ang mga istasyon ng bawat responsive agencies. Simula ngayong gabi nagtalaga na ng 11 grupo na idedeploy sa buong lalawigan na maaring rumisponde sa magiging epekto ng bagyo.

Inabisuhan na rin ang mga search and rescue team ng bawat local government unit na maghanda. Naka standy na rin ang 44 na Provincial Engineering dump trucks at pitong bangka ng coastguard kung sakaling kailanganin sa pagreresponde.


Mahigpit na binabantayan ngayon ang bayan ng Calasiao at Sta. Barbara na kung saan nasa kritikal level na Marusay-Sinucalan River maging ang mga bayan na nasasakupan ng Agno River.

Samantala, ayon sa ahensya mahalaga rin umano ang pagkakaroon ng Emergency Go Bag o survival kit na maaring gamitin sa loob ng tatlong araw na naglalaman ng Tubig, baterya, gamut, flashlight , delata mahahalagang dokumento at iba pa.

Photo Credit: Pangasinan PDRRMO

Facebook Comments