Nagsagawa ang lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Tuguegarao ng isang Pre-Disaster Meeting ngayong kasunod ng mga nararanasang pag-ulan at ang muling pagtaas ng lebel ng tubig sa Ilog Cagayan.
Ayon sa mga ulat mula sa lokal na disaster management office, ang matinding ulan at ang pagtaas ng tubig ay nagdudulot ng posibleng panganib ng pagbaha sa ilang bahagi ng lungsod.
Pinangunahan ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) ang pagpupulong, kung saan pinag-usapan ang mga konkretong hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente.
Inatasan din ang mga lokal na opisyal na magtayo ng mga Emergency Operation Centers (EOC) at i-activate ang mga ito upang maging handa sa anumang oras ng emergency.
Partikular na binigyan ng pansin ang mga low-lying areas at mga komunidad na may mataas na risko ng pagbaha at inatasan ang mga miyembro ng CDRRMC na magsagawa ng monitoring sa mga lugar na ito upang agad matukoy ang mga posibleng epekto ng pagtaas ng tubig.
Ang mga barangay officials ay magsasagawa ng mga preemptive evacuations sa mga lugar na inaasahang tatamaan ng pagbaha upang maiwasan ang malawakang pinsala.
Samantala, inaasahan ng lokal na pamahalaan na ang mga hakbang na ito ay magdudulot ng mas mataas na antas ng kahandaan at proteksyon sa mga mamamayan ng Tuguegarao.