Ito ang inihayag ni Mayor Maila Ting Que na kung kakailanganin ng sitwasyon ay magsasagawa sila ng forced evacuation dahil aasahan na tataas pa ang lebel ng tubig sa harap ng ginawang pagpapakawala ng tubig mula sa Magat Dam.
Nag-iikot rin ngayon ang ilan sa mga empleyado ng LGU Tuguegarao kasama ang alkalde para abisuhan ang mga barangay na madalas makaranas ng pagbaha kabilang ang Balzain East at West, Caritan, Linao, Cataggaman, San Gabriel, Leonarda at Carig.
Samantala, maraming bayan naman ng Cagayan ang nakaranas ng malawakang pagbaha dahil sa bagyo at dahil dito hindi naman nagawang maisalba pa ang isang backhoe sa Barangay Dugayung, Piat, Cagayan dahil sa biglaang paglaki ng tubig sa Chico River.
Patuloy naman ang monitoring ng ng mga awtoridad para agad na makatugon sa mga pamilya o indibidwal na maapektuhan ng bagyo.