Ipinag- paliban muna ng Philippine Army ang kanilang pre-entry examination para sa mga bagong recruit at aplikante sa officer candidate epektibo nitong August 4.
Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Ramon Zagala, saklaw ng suspensyon ay ang AFP Service Aptitude Test (AFPSAT), Army Qualifying Exam (AQE) at Special Written Examination (SWE) for Officer Candidate Course (OCC) at Officer Preparatory Course (OPC).
Ang dahilan ay dahil sa pinaiiral na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila at mga karatig lalawigan.
Ngunit tuloy pa rin ang online registration para sa mga nais na mag-apply sa mga nasabing exam.
Payo ni Col. Zagala sa mga interesadong aplikante na palaging i-check ang mga Facebook pages ng iba’t ibang Army Recruitment Offices para sa karagdagang mga detalye.