DFA, kinumpirmang ligtas na ang 13 Pinoy seafarers na nasugatan sa pagsabog sa Lebanon

55

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ligtas na ang 13 Filipino seafarers na kasamang nasugatan sa malakas na pagsabog sa Beirut, Lebanon.


Kanina ay binisita na rin ni Philippine Embassy in Beirut Charge d’affaires Ajeet Panemanglor ang walo sa Pinoy seafarers sa kanilang tinutuluyan.

Ang lima namang iba pang seafarers ay nasa ospital para sa panibagong medical check-up nang bumisita ang Philippine Embassy officials.

Ang naturang Pinoy crew members ay unang napaulat na nawawala matapos tumalon sa barko nang mangyari ang pagsabog sa Port of Beirut.

Sa naturang pagsabog, bahagyang napinsala ang cruise ship Orient Queen kung saan nagta-trabaho ang mga ito.

Facebook Comments