Pre-Omicron levels ng COVID-19, posibleng sa Marso pa maranasan

Inihayag ng University of the Philippines Pandemic Response team na posibleng sa Marso pa babalik sa pre-Omicron level ang sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay U.P. Prof. Jomar Rabajante, mabilis ang pagbaba ng kaso base sa case counts at hospitalization dahil sa ngayon ay bumaba na sa 573 ang okupadong critical care beds mula sa 650 noon Enero 15.

Kailangang tutukan din aniya ang pagdami ng kaso sa mga probinsiya at maging maingat sa paggalaw ang publiko lalo’t ipagdiriwang ang Chinese New Year at Valentine’s Day.


Samantala, sinabi naman ng OCTA Research Group na posibleng hindi na maulit ang surge ng Omicron variant sa Metro Manila ngunit nagbabala ito sa maaaring pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa mga rehiyong nasa labas ng National Capital Region (NCR).

Partikular dito ang Baguio City kung saan nakikita ng OCTA na maaaring umabot na sa rurok o peak ang kaso ng COVID-19 sa mga susunod na araw.

Facebook Comments