DOH, nakapagtala ng higit 18,000 na panibagong kaso ng COVID-19 ngayong araw

59

Nakapagtala ng 18,191 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas ngayong araw.

Mataas ito kumpara sa 15,789 na kaso kahapon.

Dahil dito, umabot na sa 3, 493, 447 ang kabuuang kaso sa bansa kung saan 226, 521 ang aktibong kaso.


Nadagdagan naman ng 22,041 ang mga gumaling kaya sa kabuuan ay 3,213,190 na ang recoveries.

Samantala, sumampa na sa 53,736 ang mga nasawi matapos madagdagan ng 74 ngayong araw.

Lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 25 habang may dalawang laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.



Facebook Comments