La Union – Inilunsad ng probinsiya ng La Union ang Pre-registration System sa COVID-19 Vaccine para sa mga Eligible residents na nagnanais magpabakuna kontra sa nakakahawang sakit.
Kabilang sa prayoridad ng Department of Health ang healthcare workers, senior citizens, mga mayroong commorbidity at frontline personnel na nagtratrabaho sa essential sector.
Ayon kay Dan Dacanay, ang vaccination operations manager ng probinsiya, mula sa 14, 106 na health workers sa probinsiya, higit 7,000 na daw ang nabakunahan at higit 2, 000 ang naka kumpleto ng kanilang second dose ng bakuna.
Ang mga indibidwal naman na nabakunahan ay hindi nakaranas ng malalang side effects.
Balak naman ng probinsiya na magtayo ng vaccination sites sa mga paaralan, basketball courts at iba pang lugar upang ilapit ang pagbabakuna kontra covid-19 kapag naging sapat na ang suplay. Sa tala ng probinsiya, bumaba na sa higit 800 ang aktibong kaso ng COVID-19 dito.