Pre-screening para sa mga senior citizen na babakunahan, pinasisimulan na sa pamahalaan

Pinagsasagawa na ang pamahalaan ng pre-screening para sa mga senior citizens na babakunahan ng COVID-19 vaccine.

Iginiit ni Senior Citizen Partylist Representative Rodolfo Ordanes na ngayon pa lamang ay dapat na magsagawa na ng pre-screening para sa mga lolo at lola na tuturukan ng bakuna kontra COVID-19 upang malaman agad kung mayroong allergies at comorbidities gaya ng hypertension, diabetes, asthma at iba pang red flags para sa posibleng adverse reactions ng bakuna.

Sa ganitong paraan aniya ay matutukoy kung alin sa mga available na bakuna ang dapat ibigay sa mga senior citizens para maiwasan ang posibleng matinding adverse reactions.


Maliban sa mga matatanda ay dapat di aniyang mabakunahan ang mga kasama ng mga senior citizens sa bahay maliban sa mga bata upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease sa tahanan.

Pabor din ang kongresista sa plano ng Department of Health (DOH) na magbahay-bahay para sa ligtas na pagbabakuna sa mga senior.

Facebook Comments