Puspusan na ang isinasagawang preemptive evacuation sa mga residente na nakatira sa mga mga low-lying at landslide prone areas sa lungsod ng Quezon.
Ito’y bilang paghahanda sa pagdating ni bagyong Rolly sa Metro Manila na nasa Signal Number 3 na ngayon ayon sa PAGASA.
Itinaas na rin ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) ang Orange Alert sa lungsod.
Bunsod nito, ang lahat ng search and Rescue teams ng QCDRRMO at medical responders ay naka-standby na sa lungsod sakaling kailanganin.
Nagtalaga na rin na ng evacuations centers ang lokal na pamahalaan sa iba’t ibang lugar sa lungsod na pwedeng magamit ng mga residente.
Kaugnay nito, pinapayuhan ang mga residente na sumunod sa mga awtoridad para sa kanilang kaligtasan.
Samantala, kabilang sa mga landslide prone Barangay sa lungsod ay ang Barangay Bagong Silangan ,Bagum-bayan, Batasan Hills, Blue Ridge A at B, Commonwealth, Culiat, Escopa 4, Fairview, Holy Spirit, Kaligayahan, Libis, Loyola Heights, Matandang Balara, Pansol, Pasong Putik, Pasong Tamo, Payatas, Sta. Monica St. Ignatius, Sta. Lucia, Ugong Norte, UP Campus at White Plains.
Habang ang mga low-lying Barangay naman ay ang Aplolonio Samson, Bagong Silangan, Doña Imelda, Mariblo, Masambong at Roxas.