‘Preggy bod’ bikini photo ni Neri Naig, kinagiliwan ng mga netizen

46

Kinagiliwan ng mga netizen sa social media ang inilabas na post ng aktres na si Neri Naig, kung saan makikita ang kaniyang ‘preggy bod’ sa isang bikini photo.

Ipinagbubuntis ni Neri ang second child nila ng asawang si Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda.


Kuha ang larawan nang magbakasyon silang mag-asawa sa Batangas kung saan ipinost ito sa Instagram account ng aktres.

Matatandaang ika-9 ng Mayo nang aminin ng dalawa na magkakaroon na sila ng second baby.

Ipinagdiwang ng mag-asawa ang kanilang ika-anim na wedding anniversary nitong Disyembre kung saan isinilang ang kanilang first baby na si Alfonso III noong November 2016.

Facebook Comments