Sinimulan na ng Korte Suprema ang preliminary conference kaugnay sa mga petisyon kontra sa R.A. 11479 o ang Anti-Terror Law.
Alas-2:00 kanina nang humarap ang bawat abogado na kumakatawan sa 37 petitions kontra Anti-Terror Law.
Kabilang dito ang kinatawan ng Office of the Solicitor General para sa panig ng gobyerno.
Tinalakay sa preliminary conference kung paano ma-simplify o malimitahan ang mga tatalakaying usapin at ang hinggil sa pagsusumite ng mga documentary evidence.
Mahigpit namang pinairal sa Korte Suprema ang health protocols sa mga dumalong petitioners.
Sinabayan naman ito ng kilos-protesta ng ilan sa petitioners, tulad ng SANLAKAS na nagbitbit ng kanilang mga streamer na nagpapahayag ng pagtutol sa nasabing batas.
Facebook Comments