Manila, Philippines – Iniurong ng Presidential Electoral Tribunal ang preliminary conference sa magkahiwalay na electoral protest na inihain nina Dating Senador Bongbong Marcos at Vice President Leni Robredo.
Sa halip na gawin ito sa June 21, ipinagpaliban ng PET ang kumperensya sa July 11.
Ang paglilipat ng petsa ay kasabay ng desisyon ng mga mahistrado ng Korte Suprema na magdaraos ng tatlong araw na magkakasunod na oral argument sa isyu ng idineklarang Martial Law sa Mindanao.
Nauna nang nilinaw ng PET na binubuo ng mga mahistrado ng Korte Suprema na ang kumperensya ay hindi makakaapekto sa lahat ng mga nakabinbing mga mosyon o manifestation na inihain ng magkabilang panig.
Samantala, pinagsusumite rin ng PET ang kampo nina Marcos at Robredo ng preliminary conference brief na maglalaman ng kanilang posisyon sa mga sumusunod na isyu:
Kasama sa mga isyung tatalakayin sa preliminary conference ay ang mga sumusunod:
– pagtatakda ng limitasyon sa bilang ng mga testigo;
– pinakamabilis na paraan sa pagkuha at pagproseso ng mga ballot box na naglalaman ng mga election return, certificate of canvass at iba pang election document na kinukwestyon ng magkabilang panig;
– at mga bagay na makakatulong sa mabilis na paglutas ng dalawag electoral protest.
DZXL558