Preliminary investigation kaugnay sa ₱1.8-B drug shipment, sisimulan sa Hulyo

Magsasagawa ang Department of Justice (DOJ) ng preliminary investigation sa criminal complaints na inihain laban sa Chinese drug lord na si Jacky Co at iba pang respondents kaugnay sa ₱1.8 billion na smuggled illegal drugs.

Ang preliminary investigation na pangungunahan ni Senior Assistant State Prosecutor Clarisa Kuong ay itinakda sa July 5 at 10.

Nagpadala na rin ng subpoena sa lahat ng respondents para dumalo sa dalawang petsa at para makapagsumite ng counter-affidavits bilang sagot sa mga reklamo laban sa kanila.


Matatandaang naghain ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong May 31 ng reklamo laban kay Jacky Co at sa 16 na iba pa dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Inaakusahan din ang mga opisyal ng Wealth Lotus Empire Corporation at Fortune Yield Cargo Services ng importation.

Facebook Comments