PRELIMINARY INVESTIGATION | Maria Ressa at iba pang respondents sa tax evasion case, no show pa rin

Manila, Philippines – Bigo pa ring humarap sa pagpapatuloy ng preliminary investigation ng justice department si Rappler Chief Executive Officer (CEO) and President Maria Ressa at si Treasurer James Bitanga sa tax evasion case na isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Dahil dito, binigyan ng Department of Justice (DOJ) panel ang respondent’s ng hanggang Mayo 7 para magsumite ng kontra salaysay.

Pinanumpaan naman ng BIR ang kanilang reklamo sa pangunguna ng kanilang abogado na si Atty. Jansen Chua.


Sa Mayo 7 dakong 11:00 ng umaga ipagpapatuloy ang preliminary investigation.

Ang kaso laban kina Ressa at Bitanga ay may kaugnayan sa sinasabing hindi pagbabayad ng online news site ng buwis na aabot sa P134-million.

Una rito, inakusahan ng BIR ang Rappler Holdings Corporation ng paglabag sa National Internal Revenue Code dahil sa tangkang pagtago sa kanilang annual income tax return at value-added tax returns noong 2015.

Facebook Comments