Preliminary investigation ng DOJ hinggil sa pagkamatay ni Atio, sisimulan na sa Miyerkules

Manila, Philippines – Sisimulan na ng Department of Justice (DOJ) ang preliminary investigation kina John Paul Solano at 17 iba pa na sangkot sa pagkamatay ng UST Law Student na si Horacio Castillo, III.

Pangungunahan ito ni Assistant State Prosecutor Susan Villanueva na gaganapin sa October 4 at 9.

Inaasahang dadalo sa imbestigasyon si Solano na pangunahing suspek sa kaso.


Nahaharap si Solano at iba pang miyembro ng Aegis Juris Fraternity sa kasong murder, obstruction of justice, perjury, robbery at paglabag sa anti-hazing law.

Sa Miyerkules din nakatakdang makipagkita ang pamilya Castillo kay Pangulong Duterte.

Facebook Comments