17th PESO Congress, Gaganapin sa Lungsod ng Cauayan

Cauayan City, Isabela – Magiging punong abala ang lungsod ng Cauayan sa ika-labinpitong Public Employment Service Office o PESO Congress sa Oktubre 4-6, 2017.

Ang naturang pagtitipon ay dadaluhan ng humigit kumulang na 800 na kalahok mula sa ibat ibang panig ng bansa.

Idadaos ang 17th PESO Congress sa FL Dy Colliseum, Cauayan City na makikita sa Rizal Avenue na compound mismo ng city hall.


Ang taunang convention na dinadaluhan ng lahat ng mga PESO managers, mga LGU Officials, mga pambansang opisyal at mga grupong kabilang sa pribadong sektor ay ginaganap upang pag-usapan ang pagpapalaganap ng trabaho at para palakasin ang ugnayan ng pribado at pampublikong mga sektor para sa pakay na ito.

Kabilang sa mga personalidad na dadalo pambansang aktibidad na ito ay si DOLE Secretary Silvestre Bello III, DOLE Regional Director Manuel Roldan, Isabela Governor Bojie Dy, Cauayan City Mayor Bernard Faustino Dy, mga ilang opisyales ng Isabela at Congressman Randolph S Ting ng Cagayan bilang Chairman ng House Committee on Labor and Employment.

Magiging pangunahing bisita si senador Sonny Angara sa okasyong ito.

Facebook Comments