Preliminary investigation ukol sa pagkamatay ng high-profile inmates dahil sa COVID-19, sinimulan na sa Senado

Sinimulan na ng Senate Blue Ribbon Committee ang preliminary investigation ukol sa pagkamatay ng ilang high-profile inmates sa New Bilibid Prison, tulad ni Jaybee Sebastian, dahil umano sa COVID-19.

Ang kanilang hakbang ay habang naghihintay ng referral mula sa plenaryo sa pagbabalik ng sesyon.

Ayon kay Gordon, sa ngayon ay mainam din na mabigyan muna ng panahon ang isinasagawang imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) hinggil dito.


Maging si Gordon ay may mga pagdududa rin sa pagkamatay ng mga high-profile inmates dahil inilihim o hindi agad inireport sa DOJ at sa Department of Health (DOH) at hindi rin nasunod ang mga protocol para sa mga dinadapuan ng COVID-19 at nasasawi.

Ipinunto rin ni Gordon na hindi maganda ang track record ng Bureau of Corrections (BuCor) na napatunayan sa mga lumutang na sabwatan at anumalya sa paggamit ng Good Conduct Time Allowance para palabasin ang mayayamang bilanggo.

Dahil dito, sinabi ni Gordon na hindi mai-aalis sa publiko ang mag-isip sa posibilidad na nagkaroon ng body switching o pag-cremate sa ibang bangkay para mapalaya ang NBP high-profile inmates.

Facebook Comments