Manila, Philippines – Iko-kunsidera ng COMELEC na campaign propaganda ang tarpaulin ng mga kandidato sa mga sementeryo kahit na walang nakalagay na “vote for me.”
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, kahit mukha lang ng kandidato ang nakalagay sa campaign material maituturing pa rin itong campaign propaganda.
Hinimok din ni Jimenez ang netizens na magpadala sa kanila ng larawan ng mga kandidatong nagsamantala sa pagdagsa ng mga tao sa mga sementeryo.
Una nang nagreport ang netizens sa pamamagitan ng Twitter account ni Jimenez hinggil sa premature campaigning ng ilang kandidato.
Nagpa-alala si Jimenez na ang campaign period para national candidates ay epektibo pa sa February 12 hanggang may 11,2019 habang March 29 hanggang May 11, 2019 sa local candidates