Premature na sanggol sa UK, gumaling sa COVID-19

Tuluyang nakarekober sa coronavirus disease ang babaeng sanggol na isinilang na walong linggong premature sa Scotland, UK.

Tatlong linggong gulang pa lamang si Peyton Maguire–ipinanganak noong Marso 26 at tumimbang lamang ng 1.5kg–nang masuring positibo sa COVID-19, ayon sa ulat ng BBC.

Isang linggo munang nanatili sa incubator sa neonatal unit ng University Hospital Wishaw ang sanggol bago makitaan ng mild cough at isailalim sa COVID-19 test.


“It was the first time I’d seen my baby cry tears. I held her, I was crying and we were just trying to get each other through the situation,” hayag ng nanay na si Tracy.

Lumabas ang resulta na positibo ang bata sa virus nitong Abril 15.

“As much as she was fine I thought at what point was she with the virus? How is she fighting against it when she’s so wee? It was just the unknown,” ani Tracy.

Kaugnay nito, pinayuhan ang ina at mister nito na mag-self-quarantine nang 14 araw, ngunit nagpumilit si Tracy na manatili kasama si Peyton.

Pumayag naman ang ospital, pero iginiit na dapat umuwi ang tatay.

Nitong Abril 20 nang makalabas na sa ospital ang mag-ina matapos ang dalawang negative test result ni Peyton.

Nagpasalamat naman si Tracy sa health workers na umantabay sa kanyang anak.

“They are doing a job that is unreal – they put their life at risk to make sure my baby was getting fed and cuddled in their full PPE,” aniya.

Facebook Comments