Chief Safety and Security ng Resorts World Manila, gumagamit ng ibang pangalan

Manila, Philippines – Gumagamit ng ibang pangalan ang Chief ng Safety and Security ng Resorts World Manila.

Sa mga lumabas na dokumento ay napag-alamang ang totoong pangalan nito ay Armenio Gomez habang ang pangalang Armeen Gomez na pakilala nito sa sarili sa naunang imbestigasyon ng Kamara ay nakakatandang kapatid nito na ngayon ay abogado na at city legal officer ng Naga.

Kapwa pumasok sa Philippine Military Academy ang dalawa pero si Armenio ay na discharge noong 1999 habang ang tunay na Armeen ay pumasok ng academy noong 1997.


Dahil sa mga natuklasang dokumento ng paggamit ng pekeng pangalan ng head ng Security ng RWM ay tiyak na magigisa ito muli sa ikalawang pagkakataon.

Nauna ng nasabon ng mga mambabatas si Gomez dahil sa kapalpakan ng security sa loob ng casino.

Bukod dito, nalaman pa na hindi college graduate si Gomez.

Maliban sa security lapses ay pinapasumite din ang kuha sa CCTV mula May31 hanggang June3 upang makita kung bago pa man ang trahedya ay nagmamanman na ang gunman na si Jessie Carlos.

Pinapaharap din sa pagdinig ang lady guard na humarang kay Carlos pagpasok sa Casino at ang mga staff sa CCTV control room na nagsitakbuhan matapos matakot at magpanic sa pamamaril at sa sunog na ginawa ni Carlos.

Ang mga resource persons na dumalo sa pagdinig ay sina; PNP Chief Ronald Bato dela Rosa, NCRPO Dir. Gen. Oscar Albayalde, PAGCOR Chairman Andrea Domingo, RWM COO James Reilly at RWM Pres. Kingson Sian.
DZXL558, Conde Batac

Facebook Comments