Premium contribution ng mga SSS members, ipatutupad sa Abril o Mayo

Manila, Philippines – Plano ng Social Security System o SSS na itaas ang premium contribution ng mga miyembro nito sa Abril o Mayo.

Ayon kay SSS President and CEO Emmanuel Dooc, umaasa silang maipatutupad nila ang isang-porsyentong increase sa kontribusyon sa loob ng first half ng taon, na nakamandato sa ilalim ng Republic Act 11199 o Social Security Act of 2019.

Pero babala ni Dooc – kapag naantala ang implementation ng probisyon ay magdudulot ng negatibong epekto sa financial status ng SSS.


Tinatayang aabot sa 31 billion pesos ang dagdag na premium para sa SSS na layong mapahaba ang buhay ng state fund hanggang 2045.

Nais din ng SSS na ipatupad ang probisyon hinggil sa benepisyo ng mga miyembro kabilang na ang condonation program para sa delinquent members at employees.

Ngayong araw ay tatanggap na ang SSS ng applications para sa condonation.

Kasalukuyan ding binubuo ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng batas.

Sa ngayon, nasa 11% ang monthly contribution – pero itataas ito ng isang porsyento kada dalawang taon simula ngayong 2019, hanggang sa maabot nito ang 15% sa taong 2025.

Facebook Comments